A policeman saw a man on the top floor of a building. Police: “Wag kang tatalon! Marami pang nagmamahal sa ‘yo! Man: Tumahimik ka! Wag mo akong pakialaman! ‘Di ako maka-send!
May isang langgam na dumapo sa tenga ng elepante. May ibinulong ito at hinimatay ang elepante. Tanong: Ano’ng ibinulong ng langgam? Sagot: Buntis ako at ikaw ang ama!
Isang Pinoy galling sa Pinas ang nasa LAX customs inspection. Medyo kabado kasi may dalang daing (dried fish) sa loob ng maleta. Inspector: What are those stuff in your suitcase? Pinoy: Daing, sir! Inspector: (Looking closely) No, they are not. Pinoy: It’s true sir. They are daing. Inspector: They are not dy-ing. These fish are already dead.
Guro: Iho, nakita ko ang kuya mo na naglalaro ng tong-its sa kanto. Pinapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Sana di mo siya tularan at pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Juan: Wag po kayong mag-alala ma’am, di ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko eh. Guro: Talaga! Alam mo bang magbilang? Juan: Opo! Guro: Umpisaham mo nga Juan: One…Two…Three…Four…Five…Six…Seven…Eight…Nine…Ten! Guro: Magaling! Kaya mo bang ituloy? Juan: Opo! Guro: Very Good! Sige nga. (Tuwang-tuwa) Juan: Jack…Queen..King!!!!