Random Sharing!!


    PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Share

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:19 am



    Parang elevator lang yan eh,
    bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
    walang pwesto para sayo.
    Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.


    -BOB ONG




    Mahirap man aminin, minsan sa buhay natin pinipilit nating makuha ang isang bagay na alam naman na di na pwede sayo. Tulad sa pag-ibig, kung alam mo ng di sya pede sau, maaring may mahal na syang iba, wag mo ng ipilit ang sarili mo. Nagsisimula ka lang ng gulo. Masaksaktan ka na, makakasakit ka pa ng iba. Subukan mong tumingin sa paligid mo kung saan walang masasaktang ibang tao, malay mo may taong nagmamahal sayo ng todo. Bigyan mo ng pagkakataon, di mo alam sya na pala ung saya at ligaya na hinahanap mo dati pa.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:19 am



    Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa
    kundi ang pagtanggap na
    sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
    wala man lang nakipaglaban upang makasama
    ka.



    - Bob Ong




    Isang malaking OUCH yan para sakin..dahil isa ako sa mga yan na walang kayakap, walang kalembuchingan, kamwah-mwah-tsup-tsup Razz pero ano nga ba ang wala tayong mga sawi at walang nakikipaglamban para masabing tayo ay sa kanila. Maybe hindi pa panahon para sa atin, maaring andyan lang sa tabi-tabi pero di natin pinapansin. Maaring msyado tayong busy trabaho, aral o kung ano mang pinagkakaabalahan kaya hindi natin pa natin nakikita ang ating soulmate ika nga. Pero wag tayong mawalan ng pag-asa at magpakalungkot at magpakamukmok dahil kung wala man ngayon, wag mong hintayin dadating at dadating yan bigla sayo. Enjoy lang ang buhay. Magpakasaya kasama ang kaibigan at pamiilya. Smile

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:21 am




    Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.
    Kasi may mga tao rin
    na di mo mahal pero mahal ka.
    Kaya quits lang.






    - Bob Ong








    Wag ka msyado feeling na pag gusto mo, dapat makuha mo. Di lahat ng bagay nakalaan para sayo. Anong magagawa mo kung di ka mahal ng taong mahal mo? Pagsiksikan ang sarili at magmukhang tanga? Ngayon alam mo na ang feeling ng mga taong nagmamahal sayo pero binabalewala mo. Kaya quits lang. Very Happy


    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:22 am




    Hiwalayan na kung di ka na masaya.
    Walang gamot sa tanga kundi
    pagkukusa.


    -Bob Ong




    Kung alam mo ng nasasaktan kana, wag mo ng ipilit. Katangahan na yan, pasensya na pero yun ang katotohanan. Alam ko, masasabi mo sa isip mo na di ka naiintindihan kasi wala sila sa sitwasyon mo, pero nakikita nila ang nangyayari sayo kaya nila nasasabi yon. Andyan ang mga kaibigan at pamilya mo para dumamay sayo, magpasaya sayo at marerealize mo sa huli na tama pala sila.


    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:25 am




    Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
    Gamitin ang utak
    para alagaan ang sarili mo.



    - Bob Ong



    Sa pagmamahal, di dapat laging puso ang papairalin. Kung alam mong nasasaktan kana, paganahin ang isip. Isipin mo kung ano ba dapat ang nararapat sayo, dapat mo bang maranasan ang sakit? ang saya? Sabi nga nila mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:26 am




    Paano mo masasabing special ka sa isang tao
    kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba.




    - Bob Ong




    May mga tao talagang sadyang flirt o masyadong friendly na di nila namamalayan yung ginagawa nila ay nabibigyan na ng kahulugan ng ibang tao o maaring sinasadya nila talaga ito. Kung alam mong ganto ang isang tao, wag ka ng umasa kasi sa huli ikaw lang din ang masasaktan sa selos.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:27 am




    Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya.
    Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.





    - Bob Ong




    Kung may manliligaw sayo na kakabreak lang sa gf/bf nya, or basted sa isang tao…Huwag na huwag kayong magpapadala agad sa matatamis nilang salita. Oo andun na ako sa bigyan ng pagkakataon, pero yung ilang araw kayo na kagad? I-expect mo na, magkakaron padin yan ng komunikasyon sa nakaraan nila. Bigyan mo muna sila ng time makapag-isip, makapagmuni-muni. Hayaan mong maramdaman nila na nakamove-on na talaga sila at kaya ka na nyang mahalin ng totoo.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:27 am



    Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
    Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait.
    Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka.







    - Bob Ong





    Masakit man pakinggan pero tama nga naman, di porket pinag-aagawan ka kelangan mo ng matuwa. Isipin mo, bakit ka nga ba pinag-aagawan? Dahil maganda ka?matalino? Tingin mo ilan sa kanila ang totoong nagmamahal sayo, minamahal ang tunay na ikaw at hindi ang panlabas na anyo mo? Payo ko, gawin mo muna silang kaibigan. Kilalanin ang isa’t-isa para sa huli makita mo kung sino talaga ang nararapat at tunay na nagmamahal sayo.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:04 pm



    Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal.
    Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon


    --BOB ONG


    Oo lahat ng tao ay sumeseryoso pagtinamaan na, kahit ang barumbado nagiging santo. Yan ang nagagawa ng TUNAY na pagibig. Pero kung talagang pagibig yan hindi ka papatol sa isang temptasyon, kahit na gano kahirap kung talagang nag mamahalan kayo, hindi hindi ka titikim ng kahit na anong bawal... Dahil pagmahal mo na ang isang tao, isang salita lang dapat ang matutunan mo. Ito ang salitang CONTENTED..

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:11 pm



    Walang taong manhid.
    Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano
    ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin


    --BOB ONg



    Yan ang problema ng mga torpe, idinadaan nalang sa paramdam ang gustong sabihin ng puso nila. At kung hindi naman napapansin ang kanilang mga damdamin at saloobin ay sasabihin pa nilang ikay isang manhid. Hindi mo maisisisi ang kamanhiran ng tao lalo na kung ang pinaparamdam mo sa kanya ay malabo!! Diretsuhin mo kasi, kung ano man ang magiging sagot nya paghandaan mo na. Kaysa naman magantayan pa kayo habang buhay dyan.. Malabong Usapan yan..

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:36 pm


    Wag mong hintaying masaktan ka ng sobra, bago mo sabihin sa sarili mong "TAMA NA"


    Minsan hindi masamang sumuko lalo na kung talagang masakit na, yung tipong ibinigay mo na ang lahat, ginawa mo na ang nararapat, at buong puso ka naging tapat. Pero sa bandang huli ikaw parin ang lugi, ikaw parin ang sawi at ikaw parin ang umiintindi ng paulit ulit. Panahon na siguro na bitawan mo ang salitang TAMA NA, hindi naman siguro masamang magmahal, pero ang masama eh kung hindi ka man lang nagtira sa sarili mo.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:49 pm



    "Hindi mo masasabing past ang nakaraan kung paulit ulit mong binabalikan."



    Kung hindi maganda ang nakaraan mo, gawin mo itong isang aral para sa kasalukuyan mong paglalakbay hindi ka paulit ulit na madapa sa parehong pagkakamali mo. Maari mong paminsan minsan isipin ang mga nakaraan, pero wag na wag kang babalik at lalong gawin ang bagay na alam mong nagawa mo na noon at nagdulot ng sobrang kalungkutan sa buhay mo.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:53 pm


    Yung mga taong kahit may dinadalang mabigat na problema, hindi pa rin nakakalimutang magbigay ng advice sa iba.




    Dahil alam nila kung anong pinagdadaanan mo, at alam nilang kaya mong matapos ang problemang yan kayulad ng mga problema nila. Ayaw nilang sumuko ka sa isang problemang nakayanan na nila kaya naman kahit may sari sariling problema ang iba gusto parin nilang tumulong sa iba...

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 1:59 pm



    "Hindi ako palaging okay. Hindi ako palaging masaya. Hindi ako palaging strong. Sana maintindihan mo, tao rin ako."




    Lahat ng tao napapagod, nasasaktan,at nahihirapan kaya hindi masama kung paminsan minsan huminto tayo at magpahinga. Pero siguraduhin mong kapagayos kana, tumayo ka at ipagpatuloy ang nasimulan, dahil hindi porket tao ka lang at napapagod hangang dyan ka nalang. Hindi ka ginawa ng Diyos na mahina lahat tayo malakas, at alam nya na kaya mo lahat ng ibibigay nya sayo at para sa ikakabuti mo ito. Hindi importante ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay yung alam mong ang ginagawa mo ay tama at wala kang nasasaktan na iba then God will do the rest...

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:07 pm



    "Pakita mo kasi na karapat-dapat kang pagkatiwalaan para pag katiwalaan ka ng mga tao sa paligid mo"


    Ipakita mo na pwede kang pagkatiwalaan, hindi yung puro ka lang salita kulang naman sa gawa. Minsan ang tao madaling magtiwala, madaling mahulog at madaling mainlove. Yun nga lang sa tao pang hindi karapat dapat, hindi katiwa tiwala at lalong hindi totoo sayo. Kaya bago magtiwala, kilalanin ng mabuti ang isang tao, hindi sa physical na anyo nito kung hindi sa ugali at mga gawa. Dahil baka sa bandang huli ikaw din ang mabiktima ng tao halang ang kaluluwa na akala mo ng una ay isang anghel na biglang bumula..

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:11 pm



    "Kapag natuldukan ng dumi yung bond paper, yung dumi agad nakikita. Parang tao lang, pag nagkakamali yun agad ang napapansin."




    Ganyan naman ang mga tao, sa dinami dami mong ginawang tama nabubura agad ito sa isang pagkakamali mo lang. Parang wala ng lugar sa mundo ang pagkakamali, gusto nila perpekto ka. Hindi masamang magkamali basta alam mo naman kung papano babawi, at alam na sa pagkakamaling yun handa ka bumagon at ituwid ang kamalian mo.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:16 pm



    "Dun ka sa mga taong naiintindihan ka ng totoo, hindi dun sa kunwari totoo pero plastik pala."




    Kilalanin ang totoong kaibigan, dahil sa paligid natin maraming huwad akala mo totoo sa una pero sa bandang huli ibebenta ka rin nila. Kaya wag kang magpapasilaw sa mga nakapaligid mo na ang trato sayo ay para ka nang Diyos kung isamba. Dahil kung minsan sila pa ang tao sasaksak sa likod mo ng di mo alam.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:20 pm



    "Hindi lahat ng PATAMA ay para SAYO. Sadyang SINASALO mo lang dahil alam mong GAWAIN mo ito."



    Wag ka kasing masyadong guilty, aminin mo pagnakakarinig ka nang isang bagay na alam mong ginagawa mo hindi mo maiwasan na mag komento kahit na hindi naman ikaw ang pinaguusapan nila. Ang masasabi ko lang ay wag ka kasi makikisawsaw sa usapan ng iba para di ka ma apektohan sa sinasabi nila. Evil or Very Mad 

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:25 pm



    "Pahalagahan mo habang nasa iyo."



    Pahalagahan mo habang nasa iyo, hindi yung hahabol habol ka pag wala na, iiyak iyak pag tapos na at mag popost sa facebook ng sang katutak na kadramahan para lang malaman nya. Wag ka kasing tanga, kasalanan mo naman kung bakit nawala sayo, dahil lang sa simpleng rason na Di mo pinahalagahan ng nasayo pa. Sad 

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:30 pm




    "Minsan, kailangan mo din ilabas ang lahat ng sama ng loob mo. Para malaman nilang hindi unlimited ang pasensya mo."




    Dahil pagnaipon ang lahat ng di nailalabas, maaaring sumabog yan at mag dulot ng mas malalang sitwasyon para syo. Walang masama sa paglalabas ng sama ng loob basta alam mo na nasa tama ka, at hindi ka lalampas sa linya mo. Tama na ang malaman nilang nasasaktan ka din, na didisappoint at na papagod din. Hinndi ka load na unlimited okey.. Cool 




    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:34 pm



    "Hinay hinay sa pagde-desisyon. May mga bagay kasi na kapag nagawa mo na, hindi na pwedeng maibalik o bawiin."




    Kapag magdedesisyon ka siguraduhin mong nasa tamang pag iisip ka, yung tipong hindi ka sobrang masaya, hnidi sobrang lungkot at lalo nang sobrang galit. Dahil pag ang emotion ay pinaghalo mo sa pagdedesisyon ay baka makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo habang buhay..

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:37 pm




    "May mga tao talaga na kahit sila na yung may kasalanan, ikaw pa din ang masama."


    Dahil sila ang taong hindi kayang tangapin ang mga pagkakamali nila sa buhay, na kahit na alam nila sila ang may kasalanan gagawa parin sila ng dahilan para ikaw ang pagbuntungan. Yan ang mga taong mahihina, dahil sarili nilang pagkakamali eh hindi nila matangap.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:42 pm




    "Problema kasi sayo, pinakilig ka lang saglit nainlove ka kaagad."




    May mga tao talaga madaling mainlove!! Pero hindi sila maiinlove kung walang nag pakilig diba? hindi nila kasalanan yun, ang problema eh bakit ka magbibigay ng motibo kung hindi mo naman pala gusto ito? Dahil sa trip mo lang pakiligin sya, dahil ba masarap yung feeling na maraming may gusto sayo o isa ka lang sa milyong milyong TANGA na hindi marunong sa salitang RESPETO. Kung wala kang nararamdaman wag ka naman paasa, irespeto mo naman ang damdamin ng iba.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:46 pm



    "COOL OFF MEANS- wait lang lalandi lang ako pag wala akong nakita babalik ako sayo."




    Bakit kaylangan mag COOL OFF kung hindi kana masaya sa kanya? Dahil ba sa natatakot ka na baka walang kang mahanap na iba, o para may riserba kung saka sakali diba? Wag ipilit kung wala na talagang nararamdaman dahil para lang kayong nag lalaro nyan nang walang katapusan.

    lady_yasha
    VIP member
    VIP member

    Female Posts : 183
    Reputation : 12
    Join date : 31/01/2010
    Age : 23
    Location : Angeles, pampanga

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by lady_yasha on Sat Aug 31, 2013 2:50 pm



    "Gusto mo sya. Gusto ka nya. Pero pareho kayong may karelasyong iba."



    Hindi ka magkakagusto sa iba kung KONTENTO kana sa kanya. Kahit na anong ganda at gwapo nya, o bait at lambing nya kung talagang mahal mo ang bf/gf mo hinding hindi ka mag kakgusto sa iba. Pero kung hindi ka na talaga KONTENTO sa kanya mas mabuti pang tapusin nyo na yan, dahil kawawa naman ang sya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka at MAKONTENTO sayo...

    Sponsored content

    Re: PAINFUL SAYINGS ( quotes )

    Post by Sponsored content Today at 10:13 am


      Current date/time is Sun Dec 11, 2016 10:13 am