Random Sharing!!


    Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Share

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Thu May 06, 2010 3:23 am

    Oh heto baka magustohan niyo Razz[PinoyQuotZ]



    •Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa mo 'pag gusto mo ng paglaruan. Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.


    •Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.


    •Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.


    •Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.' Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.


    •Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?


    •Sabi nila, kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang D'yos. Alam n'yang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao.


    •Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.


    •Lahat naman ng tao sumeseryoso 'pag tinamaan ng pagmamahal. 'Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.


    •Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.


    •Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


    •Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.


    •Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.


    •Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.


    •Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.


    •Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.


    •Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."


    •Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang...."


    •Kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun..may iniisip ka.."



    •Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."


    •Minsan, para ka palang nagmamahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mong itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, 'di pa rin natitinag."



    •Hindi ko naman kelangan ng maraming tao para mabuo ung mundo ko eh, minsan isa lang buo na mundo ko.



    •Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita




    •Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao.



    •Mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo.



    •Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.



    •Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.



    •Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din



    •Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa



    •Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka. Laughing



    •Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.



    •Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal



    •Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon



    •Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.



    •Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.



    •Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.



    •Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.




    •Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.



    •Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog.



    •Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.




    •Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?




    •Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon… makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli… sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon.




    •Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.



    •Hiwalayan mo na kung di ka na masaya. Walang gamot sa taong tanga kundi pagkukusa."


    •Ang love parang elevator lang yan, bkit mo pinag sisiksikan yang sarili mo kung puno? may hagdanan naman ayaw mo lang pansinin



    •Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!



    •Mas mabuti pang mahuli o matalo sa iyong ginagawa kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.



    •Mahirap pumapel sa buhay ng ibang tao, lalo ng kapag ndi ikaw ang bida sa script na pinili nila.



    •Minsan kelangan mo ring makalimut para ndi naman ikaw ang mag-alala.



    •Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.



    •Wag mong bitawa ang isang bagay kung ayaw mong makita itong hawak2x ng iba.



    •Wag na wag kang hahawak sa isang bagay kung alam mo namang bibitawan mo lang.



    •Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.



    •Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang linaw.



    •May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.



    •Ang taong pinipilit ang sarili na maging masaya, lungkot ang madadala.



     -----0-----------0-0-0------------0-----

    Nag-aaway ang PUSO atsaka ang UTAK.


    Utak: Hoy ENGOT! di ba sinabi ko na sau na LAYUAN mo na yan? MASASAKTAN ka lang!!!


    Puso: Akala ko ba matalino? Eh, panu ko makakalimutan yan eh palagi mong iniisip TANGA!!!



    Hehe, okay that's all, more update soon and please do not forget to post a feedbacks/replies/comments just for me to make INSPIRED. hehe la lang.


    - Extranghero x]


    Last edited by Extranghero on Sat Sep 21, 2013 12:25 am; edited 9 times in total (Reason for editing : (UPDATING))

    kalikotert
    Forum Moderator
    Forum Moderator

    Male Posts : 285
    Reputation : 22
    Join date : 07/03/2010
    Age : 24

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by kalikotert on Sat May 15, 2010 5:59 pm

    nice one Smile

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Tue May 18, 2010 4:28 am

    Whew Thanks po!

    i uupdate ko pa toh.

    Lalagyan ko pa toh ng maraming quotes.

    >.< pag may time hehe Razz

    vannets
    Member
    Member

    Posts : 2
    Reputation : 10
    Join date : 19/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by vannets on Wed May 19, 2010 3:43 pm

    aus!! pwede!!! merun pa ba??? nabitin ako eii????!1

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Sun May 23, 2010 5:43 am

    Oh ayan, nilagyan ko pa po hehe.


    Enjoy po..

    Smile

    kalikotert
    Forum Moderator
    Forum Moderator

    Male Posts : 285
    Reputation : 22
    Join date : 07/03/2010
    Age : 24

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by kalikotert on Sun May 23, 2010 6:14 pm

    hehe.. keep up Smile

    ma popromote ka nian pg mganda performance mu d2.. ahaha

    parang trabaho lan ee xD

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Mon May 24, 2010 1:03 am

    Waaahh, ndi ko alam yan. waaahh..


    Na promote ka na po ba dito?? Razz

    Geh magpopost pa ako :DD

    Secretkurt
    Member
    Member

    Posts : 12
    Reputation : 10
    Join date : 08/04/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Secretkurt on Tue May 25, 2010 9:19 pm

    whaa npropromote daw haha baka may age limit din?? lol!

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Wed May 26, 2010 11:29 pm

    HAHAHA,


    Ewan.. :PP

    ritchie
    Member
    Member

    Posts : 2
    Reputation : 10
    Join date : 30/09/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by ritchie on Thu Sep 30, 2010 4:05 pm

    medyo maiksi pero maganda laman

    kalikotert
    Forum Moderator
    Forum Moderator

    Male Posts : 285
    Reputation : 22
    Join date : 07/03/2010
    Age : 24

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by kalikotert on Mon Nov 22, 2010 2:32 pm

    u really think na joke lang ung cnbi ko?

    enzoy90
    Member
    Member

    Male Posts : 11
    Reputation : 10
    Join date : 23/11/2010
    Age : 26

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by enzoy90 on Thu Nov 25, 2010 10:01 pm

    i sooooooooooo love it....keep it up! Laughing Surprised

    nancy21r
    Member
    Member

    Posts : 2
    Reputation : 10
    Join date : 16/01/2011

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by nancy21r on Wed Jan 19, 2011 12:08 pm

    nice huh,thanks..sarap basahin..

    micha3l003
    Member
    Member

    Posts : 1
    Reputation : 10
    Join date : 21/01/2011

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by micha3l003 on Sat Jan 22, 2011 12:18 am

    aus na aus!!!

    pano ba mag post!!

    pa assist nmn po!!

    tnx

    dami ako love cuotes

    elvega124
    Member
    Member

    Male Posts : 13
    Reputation : 10
    Join date : 28/12/2010
    Age : 40
    Location : kingdom of saudi arabia

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by elvega124 on Tue Jan 25, 2011 6:00 am

    post mo lang sa may bandang ibaba mo my nakalagay na qoute+

    bunsochay
    Member
    Member

    Female Posts : 5
    Reputation : 10
    Join date : 25/02/2011
    Age : 20
    Location : dasma cavite

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by bunsochay on Sat Feb 26, 2011 7:58 am

    [b][i][u]


    AYOS KUA BOi Smile
    LOVE ET. ADK KA FB bunsochay@y.c
    CHiT CHAT SUMTiMES B:))

    deyomornia
    Admin
    Admin

    Male Posts : 236
    Reputation : 23
    Join date : 14/03/2009
    Age : 21
    Location : Beside your house

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by deyomornia on Fri Apr 08, 2011 6:55 pm

    ok.. gagawin ko nang sticky to.. nice post.


    _________________
    Welcome to all members!
    Have fun!
    Don't forget to read the rules!


    Forum Admin,
    Deyomornia

    *********

    sintia
    Member
    Member

    Female Posts : 2
    Reputation : 10
    Join date : 28/05/2011
    Age : 26

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by sintia on Thu Jun 02, 2011 11:06 pm

    nice ! Smile

    katebob
    Member
    Member

    Female Posts : 4
    Reputation : 10
    Join date : 05/06/2011
    Age : 37
    Location : Cabuyao, Laguna

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by katebob on Sun Jun 05, 2011 12:39 am

    I love you naka touch naman po yung quotes nyo. Nkakainspired din po.Ipagpatuloy nyo lng po yan. Razz Razz bounce

    johnus
    Member
    Member

    Male Posts : 17
    Reputation : 12
    Join date : 02/09/2010
    Age : 21
    Location : canada

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by johnus on Sun Jun 26, 2011 11:18 am

    Sali puh kau sa Sun Clan

    D2 Txt nyo kung want nyo sumali

    13th Familie Syndicate

    09322222645 yan puh hanapin nyo c johnus
    ...thnk u very much and Good Morning...

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Wed Sep 07, 2011 3:19 am

    nakew ! salamat po ^^


    tanging ginagawa ko lang po ay ang pagbutihin Smile

    Extranghero
    Member
    Member

    Posts : 18
    Reputation : 12
    Join date : 06/05/2010

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Extranghero on Tue Apr 28, 2015 2:52 am

    I'm Back! Arrow

    Sponsored content

    Re: Baka ako lang makakapag papabago sa inyo.

    Post by Sponsored content Today at 10:14 am


      Current date/time is Sun Dec 11, 2016 10:14 am